Nov 8, 2010

Lunch at the Rooftop

Nakagawian na naming kumain sa rooftop kasi masarap ang hangin at walang amoy....

"Kimchi!"

So today, nagpunta kami sa rooftop ng kasama ko para, todo kwentuhan pa kami bili pa cya ng kape upang kahit pano uminit init naman ng konti.

5 degree celcius na kasi dito.

So hayun kwentuhan to the max.

Habang kumakain, napapansin namin na medyo bumibilis ang subo namin dahil sa lamig! Maya maya lang ay Whew!!!!

Isang malakas na hangin ang dumaan napasigaw kami sa sobrang lamig.

Lalong bumilis ang subo namin na parang may hinahabol kami.

Lumipat kami ng mesa baka sa pwesto na yun ay masyadong malamig. So punta kami dun sa may sikat ng araw... heto na naman maya maya Whew! ang lakas na naman ng hangin... Napasigaw kami!

Ang masakit pa nito natapon sa akin ang kape ng kasama ko...

Basang Basa ang paa ko ng kape. hay... hayun! habang kumakain ay bumababa na kami ng hagdan dahil hindi na namin kayanin ang lamig...

pagdating namin sa opisina, patawarin naman ang baho naman ng amoy! hay....

ang lunch...

Nov 5, 2010

TAg-Kati

Bakit nga ba tag.KATI?

Kasi naman, heto po ako kamot dito at kamot doon. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Tinatawag nila itong "Winter Dry Skin".

Ang sarap kamutin, ang sarap kurut-kuritin, sa likod sa binti, sa braso, sa leeg... Hay... ganito pala ang winter ang hirap naman kailangang magaling kang magpigil dahil kung hindi gasgas lang ang makukuha mo.

Hay... minsan nga paggising ko makikita ko na lang ang tiyan ko ay may gasgas... hay nakamot ko na naman..

Lintek! ang sarap kamutin talaga.

Dry skin daw, so katakot takot na moisturizing lotion ang binili ko. Andiyan na yung sobrang kapal ang aking ipinahid pero hindi pa rin effective. Kainis! Gano ba kakapal ang balat ko at hindi talaban ng moisturizing lotion o sobrang nipis lang...

Buti pa yung isa kong kasama sa opisina na Pinoy, medyo maitim siya, hindi siya nangangati... kayo ba? Nangangati rin ba kayo dahil sa winter?

Heto pa matindi bumili ako ng humidifier upang kahit pano e mag karoon ng moisture ang kwarto ko pero hindi pa rin effective. Anong gagawin ko?

Pinayuhan ako ng kasama ko... wag daw ako maligo. HEH! hindi ko gusto yan... kahit malamig naliligo pa rin ako... Yung isa naman, bumili daw ako ng magandang pangkamot... upang mas masarap kamutin ang balat at likod ko... hehhe... Yung isa naman bumili daw ako ng gloves para hindi magasgas habang ngkakamot. Whew! Heto pa ang matinding payo ng aking mga kaibigan, itali ko raw ang kamay ko ng maiwasan kong magkamot. HUh?! ano itali... As in igapos? para naman akong bihag pag ganon.

Tiis tiis muna ko... Kamot muna.
Sabagay dalawa namin kami nung kasama ko na nangangati... so ang alam ko hindi ako nag-iisa. hehehe.

I can figure it out

Hay.. andito kami sa opisina ngayon.. heto nagpapanggap na naman na busy, pero hindi naman.Pano ako magiging busy e walang binibigay na trabaho sa akin.

Bakit nga ba? dahil daw ang pinoy masyadong matanong at ayaw nila nun? Iyon po ang reason kung bakit wala akong ginagawa ngayon.

May seminar ngayon dito sa mga empleyado sa kumpanya at hindi kami kasama.. bakit kaya? Knowing naman na ang maglelecture ay Hapon at ang meduim na gagamitin ay English. Bakit hindi kami kasama? Anong meron?

Isa pa, wala daw asenso ang mga Pinoy dahil matanong sa lahat ng bagay?

Masama bang magtanong ng mga bagay na hindi mo alam at mga bagay na kaduda duda lalo na kung sanay kana sa gawain na yun.

Sabi pa nila walang asenso daw ang Pinoy dahil laging magkakasama at hindi sumasama sa kanila. May maganda silang payo "Wag daw makisama sa kapwa Pinoy sa kanila lang daw."

Hay... bakit?

Nov 1, 2010

Report No. 3

Hello... naisipan ko lang na mag-blog today... November 1,,, All Saints Day. Sa Pinas araw ng pag-alala sa mga mahal sa buhay pero dito sa Korea...ah... wala lang... isang ordinaryong araw lang...

Well, kararating ko lang nagdinner kasi ako today... monthly dinner with my officemates. Hayun! ang masaya naiba naman hindi kimchi ang kinain namin kundi Chinese foods. Ang sarap!

Maraming nangyari sa aming dinner, andiyan na yung nagtawanan sila sa harap ko ng di ko alam kung bakit, andiyan na yung kinakausap ako ng seryoso pero hindi ko naiintindihan... Mo? (Ano sa Korean..) hay.. kelan ko kaya sila maiintindihan...

Ang totoo nyan gusto ko naman matuto mag-Korean pero ang malas malas ko naman kasi ang napuntahan kong lugar sa Korea e ung Bisaya pa,,, gets nyo? Kung baga sa atin e "hindi tagalog" iba ang dialect kaya kahit ilang aral ko ng libro ng Korean, Out of 10, isa lang ang gagamitin nila.

Hay... tapos na rin ang dinner, Hayun! sobrang lamig na naman sa labas katakot takot na baluktot ang nagagawa mo sa paglalakad upang maiwasan ang lamig sa paguwi mo ng bahay.

May napatunayan ako, hindi pala porke maputi ka at malinis tingnan e mabango ka.. (gets nyo). Napatunayan ko yan dito. Hahaha!

Pagdating ko today, dito sa room ko, hayun nagsindi ako ng kandila para pag-alala sa mga kamag-anak ko at sa tatay ko. Mayroon din naman akong mga rosas sa mumunti kong altar dito, galing sa parade kahapon.

Hay... tulog na ko... bagong pakikipagsapalaran na naman pala bukas...