Feb 28, 2010

"root"

CMCP. Hindi ko ito malilimutan. Bakit nga ba? (tanungin ko ba naman kayo, aba! Kamalayan nyo ba naman.) Well, CMCP is the company that…. that… that… that… Wait lang ha, nag-iisip pa ako ng pwedeng sabihin. Hahaha!!! Ang hirap naman bakit ala akong mailagay.

Alam ko na, CMCP dito ko natutunan ang maraming bagay. Basahin ang mga sumusunod: (I-enumerate ba naman)
(Seryoso mode)
1. Dito ko natutunan ang maraming bagay tungkol sa structural design, hilaw pa rin naman sa hanggang ngayon pero proud ako na naintindihan ko naman ung mga pinaggagawa ko dun.
2. Sa kompanya ring ito nabibigyan nila ng laya ang mga designer na makapagisip o makapagbago ng nararapat na sukat o laki ayon sa design na nagawa mo.
3. Matututo kang magkaroon ng diskarte sa ginagawa mo. (Hoy, in positive way ha!)
4. Mababait ang mga kasamang mong empleyado.
5. Matalino at madaling lapitan ang ilan sa mga boss dito. ( Specially, Dante……… and sometimes Sir Julz but more often Dante. Si Dante na cool na cool lang parati.)

Well, ang totoo nyan ang mas mamimiss ko dito ang mga friendship ko…. Ang lima kong kaibigan na kasama ko sa kalokohan….. (chaze, Raymond, cyrus, dung and dionna). Sino ba sila sa pagkakakilala ko….


Chaze – “Miss Flawless Girl”. Well, she is a quiet and shy person I’ve met in CMCP when I started there last March 25, 2008. Before, I thought she was so mataray and mahirap pakisamahan (but it was all false). She is a witty, funny, lovely and beautiful girl. Pwede mo rin siyang tawaging “Tisay” dahil isa siya sa maputi sa office o baka pinakamaputi bukod sa akin… (Ambisyosa! kelan ka pa pumuti Jasmin. In my dreams lang po yun.) Siya ang katabi ko parati sa upuan, nakakapagtaka! Malakas na rin siyang tumawa ng makatabi ko siya bakit kaya? Mahilig din siya sa tsismis tulad ko.. Hehe…. Madalas din siyang magdala ng masasarap na baon na hindi ko pa natitikman, yun tuloy madalas kinakain ko ang mga baon niya… hehe… Malaki rin ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang superhero ng buhay ko. Sinagip niya ako ng mahulog ako sa kinauupuan ko… Yun nga lang matapos niyang hawakan ang braso ko at muli akong makaupo sa upuan ko. (ABA! Ang loka, hindi maka-get over sa katatawa sa akin.) We shared lot of stories with each other everyday. (Kaya hayun…. Ang lakas parati ng boses naming dalawa sa opisina.)

Cyrus – “The concert king of the office”. Madalas mo siyang maririnig na kumakanta sa opisina na kala mo nag-vivideoke lang siya, pampatanggal antok daw… (Parati kasing inaantok yan.) Lagi na lang nkaheadset kaya hindi niya napapansin na nai- invade na ng boses nya ang buong opisina. Madalas mo rin makikita mo na lang yan nakapikit, nakahalukipkip ang mga braso at parang nasa bus lamang kung matulog. Hanga nga ako sa diskarte nyan sa pagtulog. Madalas din siyang nakikipaglaban sa pulang kabayo kaya antok parati… mahilig din siya sa magagandang babae….. (well, natural lang naman yun sa mga lalaki….)

Raymond – “The Boy Abunda of CMCP – the king of talk.” I will never forget this guy. As a matter fact, I don’t know what is inside him that I was so comfortable with my secrets with him. Isang dating propesor, matalino at masarap pakisamahan. Nauna lang ako ng isang linggo sa CMCP kaya pwede kong sabihin na ka-batch ko siya dun sa CMCP. Game Master din ang taong ito sa opisina kaya hayun parati na lang kaming nagigising sa mga brain teasers na pinasasagutan niya pag inaantok na kami. Aba! At sa huli ng mga tanong niya ay ira-rate niya pa kami kung ilan ang mga nasagutan namin. Nagaalala na rin ako sa taong ito napapansin ko rin na hindi na pantay ang balikat niya (JoKe!) sa sobrang kakaani. Nasa likuran kasi niya boss namin at para makapag – inet siya hayun din a pantay ang balikat niya katatakip nang monitor niya. Minsan kina – career na rin ang pagjo – joke , lalapit siya at magjojoke ng mga naresearch niya sa internet na bentang benta naman kay Dung. Reklamador din siya kung minsan lalo na pag nasa kagandahan na siya ng pagkukuwento ay tatawagin siya. Haha! (Mga istorbo.) In short, si Raymond ay ¾ kalokohan, ¼ seryoso. Pag nagseseryoso naman siya ay naku! Daig pa ang “PRINCIPAL” naming nung elementary huhu! Alam nyo na.

Dung – “the One Piece Master”. Pano ba naman hindi siya tatawagin na One Piece master, hay naku, kahit ata isang minuto siguro (exaggerated) na magkaroon siya ng pagkakataon e isisingit pa rin niya o sisilayan pa rin niya ang episode na pinapanood niya. MInsan nga hindi na niya napapansin na tinatawag siya, Hayun! Madalas tuloy mapagalitan. Sino nga ba si Dung? May maiksi akong tula na nagawa para sa kanya.

Headset niya’y kaylakas,
One Piece kasi ay minamalas!
Pag “Dung” ay binigkas,
Ewan ko lang kung agad iigkas!

Alas tres y medya na,
Oras na ng meryenda.
Baon ay iniinit na,
Ngunit alas- kuwatro e nakain pa.

Nakakatuwa siya, masipag yan, negosyante pa yan! Yun nga lang mahilig mang-asar, lalo na kay chaze para tuloy me “crush” siya dito kung asarin niya ito. HAHAHA!

Dionna – “The Farmer”. Ang sipag ng babaeng ito, ewan ko ba naman. Ang aga-aga parating pumasok. Kaya “The Farmer” minsan pag umaga pag pasok nakikita ko siyang magtatanim siya sa FB, hehehe, breaktime, nag-aani, at bago umuwi hayun at nagtatanim muli. Pero wag ka, totoong masipag po siya, (true po ito). She is a very lovely lady.

hay, mamimiss ko silang lahat, pati na rin si James (na iba ang surname sa FB, supladitong ewan), si Kuya Mike (ang taong nag-isip na mag-aasawa na ako! haler! di pa noh!), si Ma'am Ellen (blooming na blooming), si Dante (very smart), si Sir Vic, Sir Toto, si Joseph, si Emco, Benjie, Ry, Eileen at Cielo (mga pretty). I will miss you all guys. Teka, andyan lang naman ako sa Gil Puyat ah. (Pa-drama effect). See you guys.

Feb 14, 2010

Lunes.

Naku po! I wake up late again. Napasarap kasi ang tsismisan namin ng aking mga housemates. Umuwi kasi sila ng probinsiya at marami silang balita galing sa mga kamaganak namin.
By the way, happy puso nga pla. Hayun, lumabas din naman kami ng boyfriend ko. Kumain pagkatapos kumain umuwi. Tapos! How sweet wala man lamang akong natanggap na rosas tulad ng ibang babae na nasasalubong sa mall. Hmp! Iniisip ko na lang na masarap yung kinain namin. Sabagay masarap talaga.
E di hayun, late ako ngayong umaga, sino ba naman ang di maiinis pipila ka ng mahaba para makasakay ng jeep. Sus ko po! Pano ba naman kita ko nang parating ang jeep,aba! Huminto sa di medyo kalayuan sa aming pila may pinasakay na dalawang tao siguro ay kakilala, kaya hayun ng ako ng sasakay di na raw puwede at puno na. Ano pa nga bang magagawa ko. E di wala kung hindi maghintay ng panibagong jeep ng mga 10 minuto muli.hay... Pero okay lamang i always take it naman na pagsubok lamang yun.kaya mo yan!

Feb 13, 2010

primera

Hay, kinakabahan ako. Bakit nga ba? I guess dahil alam ko na napakaraming blogger ang mahusay magpahayag. naiinspire ako sa kanila. Di ko alam kung kaya ko bang gawin ang mga nagagawa nila.
Di naman ako magaling sa ingles tulad nila, bahala na. Basta para sa akin gusto ko lang alamin kung ano ba talaga ang gusto ko.
Masaya naman ako pero bakit may kulang pa rin.
hay....