Hello... naisipan ko lang na mag-blog today... November 1,,, All Saints Day. Sa Pinas araw ng pag-alala sa mga mahal sa buhay pero dito sa Korea...ah... wala lang... isang ordinaryong araw lang...
Well, kararating ko lang nagdinner kasi ako today... monthly dinner with my officemates. Hayun! ang masaya naiba naman hindi kimchi ang kinain namin kundi Chinese foods. Ang sarap!
Maraming nangyari sa aming dinner, andiyan na yung nagtawanan sila sa harap ko ng di ko alam kung bakit, andiyan na yung kinakausap ako ng seryoso pero hindi ko naiintindihan... Mo? (Ano sa Korean..) hay.. kelan ko kaya sila maiintindihan...
Ang totoo nyan gusto ko naman matuto mag-Korean pero ang malas malas ko naman kasi ang napuntahan kong lugar sa Korea e ung Bisaya pa,,, gets nyo? Kung baga sa atin e "hindi tagalog" iba ang dialect kaya kahit ilang aral ko ng libro ng Korean, Out of 10, isa lang ang gagamitin nila.
Hay... tapos na rin ang dinner, Hayun! sobrang lamig na naman sa labas katakot takot na baluktot ang nagagawa mo sa paglalakad upang maiwasan ang lamig sa paguwi mo ng bahay.
May napatunayan ako, hindi pala porke maputi ka at malinis tingnan e mabango ka.. (gets nyo). Napatunayan ko yan dito. Hahaha!
Pagdating ko today, dito sa room ko, hayun nagsindi ako ng kandila para pag-alala sa mga kamag-anak ko at sa tatay ko. Mayroon din naman akong mga rosas sa mumunti kong altar dito, galing sa parade kahapon.
Hay... tulog na ko... bagong pakikipagsapalaran na naman pala bukas...
2 comments:
Ayown o! Buma-blog!
Huli mo na naman ako kuya!
Post a Comment