Jul 29, 2010

Buhay Hangul



Dati iniisip ko na ayaw kong pumunta sa abroad, gusto ko lang na mamasyal kung sakaling magpunta doon. Ngunit heto ako ngaun isa sa mga taong nagpapaalipin sa banyagang bansa. Masasabing maswerte ako dahil isa ako sa mga napili ng aming kumpanya na magpunta rito sa Changwon City, Korea. Batid ko na madami ring nagnanais na makapunta dito, Am I lucky enough?






First time kong lahat ang pagpunta dito sa Korea, first time kong umalis ng bansa, first time kong sumakay ng eroplano, first time ko sa trabahong banyaga ako(non-pressure parts).... hay, madaming bago... daming kailangang i-ajust.. SAbi nga ng iba "Ganyan talga ang buhay kailangang magsanay. hehehe".






Pagbaba ng eroplano andiyan na... kita ko sa bintana ang maliliwanag na ilaw ng busan... laglag panga ako sa aking nakita... Wow! this is different from the philippines. At last I landed here at Busan safely.






Ito na po, pagbaba ko pa lang.... tila gusto ko ng bumalik ng pinas sa nakita ko... Banyaga lahat, sinundo kami ng isa naming kasamahan na kasalukuyang nasa Korea na kasama niya ung aming isang Korean handler ata ang tawag dun... si Ken.






Si Ken na ke pangit pangit sa picture ay naku ay gwapo pala sa personal, he is a Korean too, it is just his English name.






Praktisado naman si Ken sa English... gladly we could communicate with him easily,






Pagkatapos nun dami nang nangyari...






First day to the office, traditionally they sang at the front of the employees... God! quite so nervous by that time.






Mahirap dito walo kaming ipinadala dito at nag-iisa akong babae.. Madaming bagay ang limitado lamang at di ko magawa ng hindi pa ko makikiusap sa mga kasamahan ko. tulad ng pagbubuhat ng mabibigay na bagay.






Hay... mahirap. lalo na at kontrolado ko lamang ang text ko. Aba eh 25 pesos gada isang text ko. Hay hirap para sa akin na sanay na laging katext si Lloyd - ang aking boyfriend at ang aking pamilya. Wala rin namang internet dito sa bahay kaya lalo ng mahirap. Nakatitig ka lang sa pader pag wala kang ginagawa. hehehe.






Noong unang gabi ko dito kung hindi lang malakas ang loob ko siguro iiyak na ko dito... miss na miss ko na kasi si Lloyd at ang pamilya ko.






Hay... tama na ang kwentong namimiss,,, at nakakalungkot lang.







Noong unang araw namin dito siyempre dadalhin ka nila sa titirahan mo... Maganda ang kwarto ko kasing laki na noong bahay na narentan namin ng mga cousin ko sa manila dati... un lang hindi uso ang kwarto dito... parang studio type lang... ang uso pala dito ay pag may bagong lilipat sa bahay e bago din ang mga kasangkapan... bago ref, bago washing machine... bago ang mga ilaw... naku hanggang sa kutsara meron ka... un nga lang alang tinidor chopsticks na ang kapartner. Unlimited gas din dito nakalinya din kasi... hehehe..






Sa opisina, ang hirap ng lunch, puro maanghang ang pagkain,,, huhuhu... Nagtae ako talaga noong unang kain ko ng korean food.






Namasyal din kami dito kahit pano... pero sa malalapit lang.... Hay,,, hope I could survive here.








































No comments: