Dec 22, 2010

Christmas

For you, what is christmas....

Well, for me its the day to share your blessings...

Actually, sabi nila ang Christmas daw ay para sa mga bata lang. Pwes! mali po kayo dun.
Para sa lahat po ito, lalo na sa mga Kristiyano.

It is the day of sharing your blessings.

Hay,,,

I never expected that this would be the loneliest Christmas I ever be, Napapanood ko lang to dati sa TV na hindi daw masayang mag-Pasko pag malayo sa mahal mo sa buhay.. Waaaaaaaah!!! totoo pala. Ang hirap mag-celebrate.

Now I know the true meaning of Christmas... It is the day for family.

Hindi ko pa alam kung anong gagawin namin sa Pasko, basta kami ng mga kasamahan ko dito sa South Korea mamimili ng konting pagkain para magkaroon na konting salo-salo and celebrate.
Nakakatuwa pilit naming dinadala dito ang tradisyong Pinoy. Makapagdiwang lang.

Andiyan na ung Pagkain, Noche Buena at higit sa lahat pagsasama sama.

Marami na kaming nasa listahan na iluluto...
Spagetti, Barbecue, Bangus.. at kung ano ano pa..
Simple pero ang spirit ng Christmas anduon pa din.

Nov 8, 2010

Lunch at the Rooftop

Nakagawian na naming kumain sa rooftop kasi masarap ang hangin at walang amoy....

"Kimchi!"

So today, nagpunta kami sa rooftop ng kasama ko para, todo kwentuhan pa kami bili pa cya ng kape upang kahit pano uminit init naman ng konti.

5 degree celcius na kasi dito.

So hayun kwentuhan to the max.

Habang kumakain, napapansin namin na medyo bumibilis ang subo namin dahil sa lamig! Maya maya lang ay Whew!!!!

Isang malakas na hangin ang dumaan napasigaw kami sa sobrang lamig.

Lalong bumilis ang subo namin na parang may hinahabol kami.

Lumipat kami ng mesa baka sa pwesto na yun ay masyadong malamig. So punta kami dun sa may sikat ng araw... heto na naman maya maya Whew! ang lakas na naman ng hangin... Napasigaw kami!

Ang masakit pa nito natapon sa akin ang kape ng kasama ko...

Basang Basa ang paa ko ng kape. hay... hayun! habang kumakain ay bumababa na kami ng hagdan dahil hindi na namin kayanin ang lamig...

pagdating namin sa opisina, patawarin naman ang baho naman ng amoy! hay....

ang lunch...

Nov 5, 2010

TAg-Kati

Bakit nga ba tag.KATI?

Kasi naman, heto po ako kamot dito at kamot doon. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Tinatawag nila itong "Winter Dry Skin".

Ang sarap kamutin, ang sarap kurut-kuritin, sa likod sa binti, sa braso, sa leeg... Hay... ganito pala ang winter ang hirap naman kailangang magaling kang magpigil dahil kung hindi gasgas lang ang makukuha mo.

Hay... minsan nga paggising ko makikita ko na lang ang tiyan ko ay may gasgas... hay nakamot ko na naman..

Lintek! ang sarap kamutin talaga.

Dry skin daw, so katakot takot na moisturizing lotion ang binili ko. Andiyan na yung sobrang kapal ang aking ipinahid pero hindi pa rin effective. Kainis! Gano ba kakapal ang balat ko at hindi talaban ng moisturizing lotion o sobrang nipis lang...

Buti pa yung isa kong kasama sa opisina na Pinoy, medyo maitim siya, hindi siya nangangati... kayo ba? Nangangati rin ba kayo dahil sa winter?

Heto pa matindi bumili ako ng humidifier upang kahit pano e mag karoon ng moisture ang kwarto ko pero hindi pa rin effective. Anong gagawin ko?

Pinayuhan ako ng kasama ko... wag daw ako maligo. HEH! hindi ko gusto yan... kahit malamig naliligo pa rin ako... Yung isa naman, bumili daw ako ng magandang pangkamot... upang mas masarap kamutin ang balat at likod ko... hehhe... Yung isa naman bumili daw ako ng gloves para hindi magasgas habang ngkakamot. Whew! Heto pa ang matinding payo ng aking mga kaibigan, itali ko raw ang kamay ko ng maiwasan kong magkamot. HUh?! ano itali... As in igapos? para naman akong bihag pag ganon.

Tiis tiis muna ko... Kamot muna.
Sabagay dalawa namin kami nung kasama ko na nangangati... so ang alam ko hindi ako nag-iisa. hehehe.

I can figure it out

Hay.. andito kami sa opisina ngayon.. heto nagpapanggap na naman na busy, pero hindi naman.Pano ako magiging busy e walang binibigay na trabaho sa akin.

Bakit nga ba? dahil daw ang pinoy masyadong matanong at ayaw nila nun? Iyon po ang reason kung bakit wala akong ginagawa ngayon.

May seminar ngayon dito sa mga empleyado sa kumpanya at hindi kami kasama.. bakit kaya? Knowing naman na ang maglelecture ay Hapon at ang meduim na gagamitin ay English. Bakit hindi kami kasama? Anong meron?

Isa pa, wala daw asenso ang mga Pinoy dahil matanong sa lahat ng bagay?

Masama bang magtanong ng mga bagay na hindi mo alam at mga bagay na kaduda duda lalo na kung sanay kana sa gawain na yun.

Sabi pa nila walang asenso daw ang Pinoy dahil laging magkakasama at hindi sumasama sa kanila. May maganda silang payo "Wag daw makisama sa kapwa Pinoy sa kanila lang daw."

Hay... bakit?

Nov 1, 2010

Report No. 3

Hello... naisipan ko lang na mag-blog today... November 1,,, All Saints Day. Sa Pinas araw ng pag-alala sa mga mahal sa buhay pero dito sa Korea...ah... wala lang... isang ordinaryong araw lang...

Well, kararating ko lang nagdinner kasi ako today... monthly dinner with my officemates. Hayun! ang masaya naiba naman hindi kimchi ang kinain namin kundi Chinese foods. Ang sarap!

Maraming nangyari sa aming dinner, andiyan na yung nagtawanan sila sa harap ko ng di ko alam kung bakit, andiyan na yung kinakausap ako ng seryoso pero hindi ko naiintindihan... Mo? (Ano sa Korean..) hay.. kelan ko kaya sila maiintindihan...

Ang totoo nyan gusto ko naman matuto mag-Korean pero ang malas malas ko naman kasi ang napuntahan kong lugar sa Korea e ung Bisaya pa,,, gets nyo? Kung baga sa atin e "hindi tagalog" iba ang dialect kaya kahit ilang aral ko ng libro ng Korean, Out of 10, isa lang ang gagamitin nila.

Hay... tapos na rin ang dinner, Hayun! sobrang lamig na naman sa labas katakot takot na baluktot ang nagagawa mo sa paglalakad upang maiwasan ang lamig sa paguwi mo ng bahay.

May napatunayan ako, hindi pala porke maputi ka at malinis tingnan e mabango ka.. (gets nyo). Napatunayan ko yan dito. Hahaha!

Pagdating ko today, dito sa room ko, hayun nagsindi ako ng kandila para pag-alala sa mga kamag-anak ko at sa tatay ko. Mayroon din naman akong mga rosas sa mumunti kong altar dito, galing sa parade kahapon.

Hay... tulog na ko... bagong pakikipagsapalaran na naman pala bukas...

Oct 19, 2010

REPORT NO. 2

Bakit nga ba ako tahimik?
Pwes! Ayoko ng gulo, ayoko ng madaldal, ayoko ng iskandalo, hindi ako takot ayoko lang talaga…
Kilala ako ng mga kaibigan ko at ng pamilya ko na palaban, madaldal, matapang at malakas ang loob sa pagkakaalam ko. Pero wag ka pag panahon ng iyakan ako rin ang nangungunang umiyak mababaw ang mga luha ko, siguro andoon pa rin ang dahilan na….. babae ako.
Nakakapagtaka, may kaunting aligasyon ukol sa aming kumpanya ngayon tila lumalaki na, bagong padala lamang kasi kami dito sa South Korea para magtraining… yun ang sabi nila… at ito ang number one issue sa amin ngayon. Hindi ko lubos maisip na ganito ang mangyayari…
TRAINING, yes! Ito nga! Sabihin natin na ito ang nasa kontrata namin at ito ang dahilan kung bakit kami naririto ngayon. So what is the Main reason? Our company would establish a new subsidiary office in the Philippines; we are hired to study the system here at South Korea’s main office and applied it in the Philippines. So what are the things we needed to learn here? The people, the job, the system, the culture, the responsibility and how to communicate with them just…. Just to gain their TRUST. In return they also must learn the process of how they would outsource their projects with us. It was the plan before.
The problem is, how could we start the following plans? The president just disseminate us with his managers knowing that they all knew the plans,,, and this is where our story started…
We have some colleagues here that started their training 1 year ahead with us, they tried all their best to gain the trust of our fellow Korean officemates here but it doesn’t matter to them… Koreans treat us as their rivals, they think that we are here because we wanted to go with their shoes, but it’s not. We are just here for training not to have their position. Maybe they already knew our potentials,,, and now they treated us like nothing.
We just come to the office seating for all day… and have nothing to do but to just read and read and read.
We tried to report this situation with our superior in the Philippines to do some actions so we could have an appropriate training so that our time would not be wasted, but he is a man with lot of fears. He refuses every proposal that my colleagues suggested. He can’t make a decision because…. He is afraid that he proposes something to the higher management because of the possibility they will avoid it. He is afraid of trying and so as I... Our stay here is unpredictable… Korean loves surprises so as this…
My other officemates tried to have pinch actions regarding this; they do this and that… upon after all what happened I stay quiet and just “go with the flow” with them… and that is my mistake… I have this very bad manner if I don’t like something… I stay away with it, I avoided it, I ignored it.
I don’t really ignore it… it only happens that my suggestions are just the same with theirs.

There are a lot of fears that come out with us:
1. What would happen if after 2 years of our training nothings happen?
2. How about our binding contract?
3. Why does our superior don’t understand our situation?
4. Why our superior does avoided us?
5. When is the time will the company trust us to handle our own project?
6. Does the company really have a plan for us?
7. They did just do this for the sake of company stocks?
8. Are we not capable?
9. What actions should we do for them to listen?
10. What is our status here in the company?
11. Do we have to stay here?
12. Can we just agree that treated Filipino’s like this?
13. How can we go out of this if there’s no way out?
14. Can we still wait?
15. Who is the one to ask about this?
16. How hopeless are we?
We are hopeless….
Each of my colleagues is arguing for the right thing to do and who to ask. I know the hardship of my officemates and all the things I’ve done is just to agree.
Somewhat, I’m a part of it, it is our decision… we are united. I understand sometimes someone doesn’t agree with somebody’s suggestion it’s just that that everyone has decision and respect it.
That’s it! Everyone has freedom to suggest and decide.
Aside from this issue the second is… the undefeated reason of all times, the salary… well, who among of us would be happy if our company in the Philippines are subjecting us to taxes in our country and we also have taxes here in South Korea, isn’t it fair? Double tax at the same time, Blah! And we can’t do anything… A small amount of money here is subjected to tax as well in our country… I think my heart weighs 100kgs because of it.
These issues are just one of the few here but I stay quiet and agreed with all good suggestions of my colleagues. Why? Where is my tongue? What happened to you talkative jasmin…
Actually, I don’t stay quiet I really wanted to consult our superior about our continuing here, but somebody of my officemate did that and nothing happens. Months have passed already our status is undetermined, there were new Korean engineers in the office with no experience was given a big exposure rather than us that with experiences. Jealousy? Nope! Time is running we need to adopt all the things we needed so we could the start at the Philippines, but it seems that the management has no plans at all.
One time, when I’m so depressed I ask one of my girl friends about this, she ask me something in return, “Before you went there and decided to go there, pumasok ba sa isip mo na o naitanong mo na ba sa sarili mo na maaring mangyari ang bagay na ito??”, I replied, “Oo…” then she said to me… “and why are you complaining?”
Natahimik ako, tama siya, there are several times that I think that what if something would happen like this… would I still agree… Pero naatig sa sarili ko yung “bahala na si BATMAN”… Now what would I do? Why is there a big guilt in me?
Ego isn’t it Jasmin?

Jul 29, 2010

Buhay Hangul



Dati iniisip ko na ayaw kong pumunta sa abroad, gusto ko lang na mamasyal kung sakaling magpunta doon. Ngunit heto ako ngaun isa sa mga taong nagpapaalipin sa banyagang bansa. Masasabing maswerte ako dahil isa ako sa mga napili ng aming kumpanya na magpunta rito sa Changwon City, Korea. Batid ko na madami ring nagnanais na makapunta dito, Am I lucky enough?






First time kong lahat ang pagpunta dito sa Korea, first time kong umalis ng bansa, first time kong sumakay ng eroplano, first time ko sa trabahong banyaga ako(non-pressure parts).... hay, madaming bago... daming kailangang i-ajust.. SAbi nga ng iba "Ganyan talga ang buhay kailangang magsanay. hehehe".






Pagbaba ng eroplano andiyan na... kita ko sa bintana ang maliliwanag na ilaw ng busan... laglag panga ako sa aking nakita... Wow! this is different from the philippines. At last I landed here at Busan safely.






Ito na po, pagbaba ko pa lang.... tila gusto ko ng bumalik ng pinas sa nakita ko... Banyaga lahat, sinundo kami ng isa naming kasamahan na kasalukuyang nasa Korea na kasama niya ung aming isang Korean handler ata ang tawag dun... si Ken.






Si Ken na ke pangit pangit sa picture ay naku ay gwapo pala sa personal, he is a Korean too, it is just his English name.






Praktisado naman si Ken sa English... gladly we could communicate with him easily,






Pagkatapos nun dami nang nangyari...






First day to the office, traditionally they sang at the front of the employees... God! quite so nervous by that time.






Mahirap dito walo kaming ipinadala dito at nag-iisa akong babae.. Madaming bagay ang limitado lamang at di ko magawa ng hindi pa ko makikiusap sa mga kasamahan ko. tulad ng pagbubuhat ng mabibigay na bagay.






Hay... mahirap. lalo na at kontrolado ko lamang ang text ko. Aba eh 25 pesos gada isang text ko. Hay hirap para sa akin na sanay na laging katext si Lloyd - ang aking boyfriend at ang aking pamilya. Wala rin namang internet dito sa bahay kaya lalo ng mahirap. Nakatitig ka lang sa pader pag wala kang ginagawa. hehehe.






Noong unang gabi ko dito kung hindi lang malakas ang loob ko siguro iiyak na ko dito... miss na miss ko na kasi si Lloyd at ang pamilya ko.






Hay... tama na ang kwentong namimiss,,, at nakakalungkot lang.







Noong unang araw namin dito siyempre dadalhin ka nila sa titirahan mo... Maganda ang kwarto ko kasing laki na noong bahay na narentan namin ng mga cousin ko sa manila dati... un lang hindi uso ang kwarto dito... parang studio type lang... ang uso pala dito ay pag may bagong lilipat sa bahay e bago din ang mga kasangkapan... bago ref, bago washing machine... bago ang mga ilaw... naku hanggang sa kutsara meron ka... un nga lang alang tinidor chopsticks na ang kapartner. Unlimited gas din dito nakalinya din kasi... hehehe..






Sa opisina, ang hirap ng lunch, puro maanghang ang pagkain,,, huhuhu... Nagtae ako talaga noong unang kain ko ng korean food.






Namasyal din kami dito kahit pano... pero sa malalapit lang.... Hay,,, hope I could survive here.








































Jul 7, 2010

Reminders:

It's three o'clock in the afternoon.. siyempre meryenda time. Kadalasan ay may kakatok na lamang sa aming pintuan sa opisina at sisigaw na ganito... "Meryeeeeendaaaaa...." hindi pasigaw ngunit medyo malakas na tinig ng magtitinda na si Ate Ana, Ate Fe o si Ate Lorna (nagkataon na ito ang mga pangalan nila), sari sari ang kanilang itinitinda. May dalang biskwit, lomi, sopas, mamon, softdrinks and kung ano ano pa, walking sari-sari store kumbaga. Ganito sa building namin, para hindi na lumabas ang mga employee sa building ay may mga umiikot na magtitinda. Ayos din naman kung minsan ngunit pakiramdam namin ay wala na kaming ehersisyo.. mataba na kami.







Ngunit napagkasunduan namin ng mga officemates ko na bumaba ngayong araw na ito. May canteen din naman sa baba at doon kami nagpunta. Pag dating sa baba, yung isa bumili kaagad ng yosi, yung isa softdrinks, yung isa kikiam at ako heto saging at juice ang binili ko... (ang healthy ano?!!)



Maya maya ay umulan, minabuti naming umakyat na.







"Yan umuulan na... masarap atang mag-inom...." malakas na sigaw ng aming boss pag-akyat namin...


Kaya hayun napilitan kaming sumama sa kanya... hahaha! (napilitan daw oh... hehehehe)






Mga importanteng malaman pag maglalasing.
  • Huwag iinom ng isang bote lang, bitin kasi.
  • Mahal ang pulutan huwag papakin.
  • Ingatan ang inyong mga damit pag nagsusuka na ang katabi.
  • Ilista parati ang address sa isang papel upang hindi malimutan ang bahay paguwi.
  • Huwag puwesto sa gipit na daan, upang madaling makalabas patungong banyo pag nasusuka kana.
  • Uminom ng bonamine bago maglasing upang maiwasan ang pagkahilo.
  • Bigyang pansin ang mga katabi baka iba na ang kasama mo.
  • Tingnan ang iyong pera sa wallet baka order ka pa ng order ay wala ka ng pera.

Jun 30, 2010

June 30, 2010




Inagurasyon ngayon ng ating President elect Benigno "Noynoy" Aquino kaya idineklarang walang pasok pero ako....

(picture is from the allvoices)

Ala-sais pa lang ng umaga ay gising na, tamad na tamad akong bumangon. Sino ba naman ang sisipagin na bumangon, napakatahimik ng aking kapaligiran senyales na tulog pa ang aking mga pinsan na kadalasan ay gising na sa mga oras na ito.

Tak! Tak! Tak! sinasadya kong nilalakasan ang aking mga hakbang upang magising sila. (Hahaha! pasaway, istorbo sa mga gustong matulog). Parati kasi kaming naghahalakhan pag umaga.... Puro tsismis at kung anu-ano pa. Andiyan yung magkaroon ng kantiyawan, may nagsisigawan, may kumakanta, may nanonood ng tv, may nakikipaglaro sa mga baby naming kasama, mayroong tulala at tila ayaw pang bumangon. Ako naman heto at dala ang aking towel para maligo.... huhuhu...
MAY PASOK KASI AKO!!!!!!!

Paglabas ko ng aming apartment kay luwag luwag ng Kalayaan Ave., hindi ako sanay kadalasan kasi ay puno na ng sasakyan ang kalye pag ganoong oras.. Kalalabas ko pa lang ng gate ay may huminto ng biyaheng Ayala sa tapat ko. (Ang bilis kong nakasakay... at hindi napuno ang sinasakyan kong FX, kawawa naman ang driver).

Pagdating ko sa opisina andoon na din ang mga officemate ko, mabilis daw ang biyahe nila at walang traffic ganoon din naman ako.

Nakakatamad mag-umpisa ng trabaho alam mo kasi na Holiday, sabagay di na rin masama.

Pagdating ng alas - diyes binuksan ng boss ko ang tv upang mapanood namin ang inagurasyon, kahit pano iginalang pa rin namin ang ating ika - labinglimang presidente sa kanyang panunumpa.

Si Charice Pempengco ay kakanta ng pambansang awit ng aming mabuksan.

Sunod na doon ay madami pang kantahan bago pa dumating ang eksaktong alas-dose bago nanumpa si P-Noy. (tradition daw ito)




(taken by ABS-CBN)

Nakakatuwa na kay daming Pilipino ang nakiisa sa araw na ito at nagmamahal sa ating bagong Pangulo at umaasang maiiahon ang ating bansa. Tulad nila umaasa din ako sa iyo P-Noy! Go! Go! Go! Magtulungan tau. Good Luck! Dilaw simbolo ng pag-asa.




(taken by ABS-CBN)


Jun 25, 2010

Ang bakod

Mahigit isang taon na rin ng ilagay ang bakod sa aking ngipin. Madaming nagsasabi napaka-strict daw ng parents ko dahil pati mga ngipin ko ay nilagayan ng bakod.




Napakarami na rin ng aming pinagdaanan at pinagsamahan ng bakod na ito. Sa hirap at ginhawa kasi ay lagi kaming magkasama, dinamayan nya ako ng mga panahong lugaw lamang ang aking kayang kainin. Andiyang magkasama kami ng panahong di ko manguya ang bubble gum, andiyan ang panahong basang basa ang pisngi ko ng laway pagkakagising,,, magkasama rin kami sa mga panahong hindi namin makain ang chicharon, ang karneng baka, at ang masasarap na bagay. Napaka-over protective nga niya siya sa akin parating sumasabit ang kanin o dumadaan pa sa kanya bago ko makain. Napakatipid din ng bakod kong ito... Biruin nyo naman pagkakain ko parati na lamang siyang nagtitira. Sa iyo aking bakod paalam... di pa rin naman ako nagsasawa sayo ngunit inalis kana. Huwag mo ako sisihin aking bakod dahil hindi ako ang may kagustuhan nito. Sisihin natin si doktora...

NGunit inaamin ko aking bakod, minsan ay nakaroon din ako ng sama ng loob sayo. Ang hininga ko kasi ay tila nagiging amoy bawang minsan ng dahil sayo. Kay hirap hirap mong linisin... Parati mo pang tinatawag ang mga kumare at kumpare mong mga "singaw", hayun at pag kumakain ako ng maisim ay WoW suka ang mukha ko..... Madalas rin ay hindi ako makakain ng ice cream ng dahil sayo. Daig ko pa kasi ang salamin na parang mababasag sa sobrang ngilo. Hmp! pero kalimutan na natin iyon. Bati na tayo ngayon aking bakod.

Siguro naman ngayon makakatipid na ako kahit paano! Kay dami kasing toothbrush ang iyong winasak.. Di mabilang na mouthwash ang aking nagamit. Ang toothpick na ginagamit mong sandata pang-alis ng mga iyong kalaban at floss na iyong latigo sa mga gustong makisingit sa iyo aking ngipin.


Teka ng umalis ka maganda ang rin naman ang iniwan mo sa akin.... Gusto kong ipakilala sa inyong lahat ang aking bagong ngipin.. Presenting my brand new teeth.,,,, Bwahaha!!!! LOL.


Jun 20, 2010

Ang natauhan!

Sa wakas natauhan na din...

Itong si Dionna kong kaibigan, Aba naku po! Diyos ko po!
Ilang pasakit at sama na ng loob ang naramdaman niya at nafeel nya aba at bakit hanggang ngaun ay nku po... talaga kaloka ang babaeng ito!!!

Minsan na siyang nabundol na jeep at ninakawan. Aba! at wala pa rin pakialam ang opisinang kanyang pinaglilingkuran... Hindi man lang kinamusta siya, Take note! Dahil sa opisinang ito kung bakit siya nabundol at nanakawan. Hmp!

Ngayon nagagalak ako at natauhan na rin siya....
Magreresign na rin siya... HAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY (relieve)

Sabagay maganda rin naman ang opisinang ito,,, ngunit mahirap maglingkod sa punong ang dahon at sanga ay hindi iniingatan... Ano bang silipin o tanungin ang kalagayan...

Ngayon ko napatunayan na "PRIDE IS THICKER THAN ANYTHING.". Di masamang magkaroon ng pride pero hindi sa lahat ng pagkakataon...

For you Dionna... isang malaking EKIS ka...bwahaha.... Congratulations...

Happy Father's Day




Sa lahat ng ama, Binabati ko kayo ng Maligayang PAPA Day...
Sa aking mga kapatid... (Kuya Ando & Kuya Pino), sa aking mga bayaw (Si Kuya Boy, Kuya Noel at Raymund) at sa aking mga uncles...(dami sila), sa aking mga friends at kakilala Happy Tatay's Day! heehehe.. Mukhang pulitiko lang ah kung makabati... Bwahahaha!

Higit sa lahat kay papa Jesus at sa DaD ko dun sa heaven, Happy Father's Day.

Mga walang awa sa BABOY!!!

Naluluha ako kagabi niyurakan nila kasi ang nakakaawa kong baboy...



Si Bologs bow...

Ang baboy kong binabanggit e ang alkansya ko na hugis baboy, pangalan na lang natin siyang "BOLOGS"
Si Bologs ay aking nakamit mula sa pinsang malapit
Minsan na niyang ginamit at iniwan sa gilid;
Dahil sa inggit sa pinsang nagtitipid
Aming hiningi at ipinagkit ang butas na sinusungkit.

Sa aking pag-uwi mula sa opisina
Limang piso at sampu kanyang nilalamon na
Kay takaw nitong si Bologs, pati bulsa koy hinihila pa

Sa paglipas ng isang taon,
Si Bologs ay nabusog at bumintog
Agad niyurakan at kinitil ng kasintahan ko
Ang tiyan ni Bologs na busog



Gusto kong lumuha at isiping...
Kay daming tinapay ang di ko kinain...
Kay daming kendi ang di sinupsop,
Kay daming araw ang tiniis upang siya'y mabusog
Ngayon siyay inyong niyurakan

Kay daming barya ang kumalat sa sahig na pinagyurakan...
Gusto kong lumuha ngunit ng makita at makuwenta
Aba nga naman!!! lintek na hindi makakaalam
Si Bologs ay tunay na kaibigan...

Aba'y instant kwarta sa gipit na tulad ko at nangangailangan...

Teka, Teka... mas mahirap pala ang iniwan ni Bologs
Di mabuhat na barya ang iniwan niya
Aba naku po diyos ko po.... siya pala ay papatayin na talaga...
Bologs...bologs... para rin naman akong nagbenta ng baboy sa iniwan mo

Maraming salamat sa alaala mo...

Jun 16, 2010

nahumaling ka na ba rin?

Nakakapagod din ang magtanim, mag-ani, magfertilize at magdekorasyon.!!!!
kala nyo ba tunay na magsasaka rin lang ang napapagod! HINDI!!!!

Tingin ko nga may kalyo na ang hintuturo ko sa dami ng "click" na nagawa ko.

parang ganito...

CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLICK! CLIIIIIIIIIIIIIIIIKKKKKKKKKKKKKKKKK!!!!!

Ang pinakamahirap sa lahat ang pagtatago mo ng monitor mo sa boss mo!
(nyaks! sa opisina pala naglalaro!) praktisadong praktisado ko tuloy ang alt+tab. hahaha!

Nakakasawa na,,, nagbago na ko, kinalimutan ko na ang farmville, I'm a change person you know.

Isang officemate ko ang nagrekominda sa akin ng bagong kahuhumalingan ko, parang droga na binabalik balikan ko. hehehe.
ang "Social City", pakiramdam ko kasi eh ako ay isang mayor gumagawa ng komunidad at nagpaparami ng populasyon. Masaya ito kay daling ilipat lipat lang ang bahay mo.Mayor kana ! karpintero ka pa!

Jun 8, 2010

Alamin ang kapalaran mo.

Haha!

Last Friday nagkaroon kami ng dinner with my previous officemates. Kumain kami sa Shakey's dahil (eto na naman po), nanlibre ang kaibigan kong si Raymond sa kadahilanang last day nya na sa dati naming opisina. (Hahaha! nakakatuwa kami noh! nanlilibre dahil last day na nya). Actually, wala pa siyang work na malilipatan, hindi na lang niya carry ang manatili pa sa aming company. Bwahaha! Bakit kaya????? Sa totoo lang, naiintindihan ko siya dahil sa sobrang daming reasons. Mahirap ipaliwanag.

Minsan kasi kahit anong laki ng sweldo mo umaalis ka sa trabaho mo dahil may hinahanap ka na di mo matagpuan tagpuan. (hindi to para sayo Raymond)..

Then, yesterday may dinner ulit ako dahil despedida party ng close friend kong si Chaze mamimiss ko siya punta siya sa Japan, ipinadala ng dati naming opisina. hehehe.

Maraming nangyari bago siya umalis ito ay base lamang sa mga kwento nila sa akin. Dapat aalis na kahapon may ticket na nga siya. Un pina-cancel dahil dapat CAD ang kukunin at siya ay Designer. Hehehe, bakit gnon?


Madami na akong mga officemates ang umalis sa kumpanyang yaon... CMCP (madaming maayos na tao dun, mayroon din namang maayos na boss pero higit sa lahat madami ang hindi mo maipaliwanag ang iniisip sa mga iyon. hahaha)

Madami na talaga kaming umalis dun sample nga dito sa pic na to:



Lahat ng may ekis ay umalis na doon tanging ang may check lang ang natitira.

Hahaha! isa na lang ang tigasin. Talagang isa lang ang aming TIGASIN. Hehehe. Dionna, kelan ka kaya susunod? hehehe.

May 23, 2010

"Fiesta"

Hayun! Ang makaputok tiyan na tanghali!

Naimbitahan kami ng aking boss na mamiyestahan duon ba ga sa amin sa Batangas. Siyempre, nagpunta kami ng aking mga ka-opisina. Nung umpisa kunyari pang ayaw gusto rin naman.

Nagkita kita na lamang kami duon sa may diversion. Isinama ko ang boyfriend para naman sa gayon e hindi kami mainitan sa pamimiyesta. Me tsikot kasing regalo ang kanyang ina sa kanya dati, kaya hindi sa kanya yun sa nanay nya! hahaha!

Siyempre nung una, naligaw pa kami.

Nagtanong tanong... AT last nakita na rin namin ang mansion ni Sir.

Nakakapagtaka alang tao sa bahay nina Sir.

"Sino Kau?, hindi ko kayo kilala." Ito ang bati sa amin ng asawa ng aking boss.

Pinapasok nya kami at pinaghintay ng sandali upang tawagin ang asawa. haha!
Nagluluto pa ata ang boss namin. Ang aga kasi namin.

Pero okay lang.

Nakakatuwa, wala pang limang minuto e binigyan na kami ng pinggan. hahaha!

ATTACK agad sa tsibug! Kami pa lang ang tao kaya malaya pa kaming kumain. Hahaha! Hindi kami tumigil hanggat my space pa ang aming tyan. Wala na ngang paglagyan ang tubig.

Pagkatapos, naglabas ng inumin ang boss ko as in INUMIN. Lambanog, Matador, Red Horse.... lintik lang ang walang ganti sa tiyan ng mga tumador ito.


WAAH,,,, awat na... busog na kami...


Maya pumunta pa kami sa bahay ng isa pa naming officemate, heto na naman pinggan na naman ang sumalubong sa amin... Nagkatinginan na lamang sa umpisa pero diretso pa rin, kain muli kahit wala ng space.

Ang boyfriend ko nagrereklamo bakit daw kasi nakakuha pa siya ng saging kaya hayun di niya alam ang gagawin kung pano uubusin ang pagkain niya. HAHA!


Masaya naman, madaming pagkain. Iyon nga lang, dahil sa El Ninyo, ABA! tigmak tigmak din na pawis din ang aming inilabas. Wet underarm na nga ako bago kami umalis...

Hay,,, salamat sa pagkain, sa boss ko, ke Ivy at sa mga officemate ko na mahaba pa ang nilakbay para sa araw na iyon....

Fiestang Batangas....

May 5, 2010

New

Yesterday, nagsimula na ang new work ko.... WEll, first day I've been so busy. Reading... reading.... browsing.... and I can't remember na nga how busy am I. Sa sobrang busy nga I can hear every tick of the clock. hahaha!

Madaming bago kahapon, new workmates, new computer, new office, and new ambience. Haha! nakakatuwa ang daming bago.


Naeexcite na ko kung kakayanin ko ba ang trabaho dito.... Totally zero... hay,,, isa pa yang bago....


Grrrrr..... natatakot ako yan ang totoo....

Apr 28, 2010

A Night

I attended a wedding yesterday or should I say weeding, Yah! weed, a plant considered undesirable, unattractive, or troublesome, especially one growing where it is not wanted, as in a garden. because there are so many stories happened.

I don't know if this wedding is over prepared or lack of preparation.

Over prepared? yah! The bride was wearing the Mommy Dionisia's look alike jewelries. Hahaha! Long earings and a very very very big necklace just as big of my fist (Joke!) but she is pretty with her "SMILES". (She is always smiling kasi anywhere the camera goes even if she was eating and talking, she was smiling.)
Pretty reception, sowsyal! (not looking straight into the eyes) My brother thought it was a fiesta, noisy and plenty of games.

Lack of preparation? I don't know what is the true motif. Basta!

Still, it ended successful to both of them.


Then, na-istranded kami,my toes and ankles are not feeling well because of the shoes I borrowed from my cousin.

For me.................................

"Still, Congratulations."

Apr 14, 2010

SAMPLE

Maaga akong gumising ngaung araw na ito....

Kailangan ko kasing magpa - pre employment medical.
Siyempre kailangang kuhanan ka ng mga sample tulad ng wiwi, pupu at dugo.

Una, kailangan kong magbigay ng sample ng wiwi, then ng pupu.... (ito na po ang problema). Wala akong dalang pupu!!!!! Waaahhh... Ang dami ko kasing nailabas kaninang umaga ano na lamang ang ilalabas ko ngayon.



"Ma'am, balik na lang po kayo maya pag may sample na kayo", magalang na pahayag sa akin ng magandang babae na na-aassist doon. ( Medtech ata, di kasi ako familiar sa mga medical jobs.) Ano pa nga ba ang magagawa ko inabot nya sa akin ang container na dapat kong lagyan ng pupu.

Pagkatapos kong maphysical exam at x-ray iniisip ko kung kaya ko bang magbigay ng sample ng pupu para hindi na ako bumalik pa.... (Hmmmmmmm..... at mukhang di ko kaya)

Paglabas ko ng building, nakakapagsisi.. ang init na sa labas ramdam na ramdam ko na El Nino, nasasayang ang lotion ko, ang lagkit na mga braso at leeg ko sa tindi ng init. Minabuti ko munang umuwi sa apartment para makapag-concentrate.

******
Naalala ko tuloy ang kuwento sa akin ng bayaw ko nung araw daw siyempre magpapamedical kailangan daw magdala ka ng sample ng pupu (pasintabi po sa mga kumakain...) may nakasabay daw siya! grabe!!!!! isang garapon ang dala!!!! Yaaaaaak!!!! kadiri talaga yun. (Arte!)

Apr 13, 2010

Bakasyon

Hay,malapit na naman ang akong mag-umpisa sa bagong trabaho ko, Sa May 03. Nakakakaba nga kasi pioneer kami ng opisina. Acutally, mas naeexcite ako kesa sa kinakabahan... ang makakalungkot tapos na ang maliligayang araw ng bakasyon...

++++
Maikwento nga sa inyo ang mga pangyayari.... (Heto na naman po si Lola Basyang)

Well, well, well, marapat at ikukuwento ko na sa inyo ang pangyayari... (Ihanda nyo na po ang popcorn at mani sa mahaba - habang basahan)
Siyempre dun ako nag-stay sa aming bayan sa San Juan, Batangas upang makatipid. Dahil sa walang ginagawa, madalas nakahilata lang ako sa bahay at nakanganga at naghihintay ng grasya.Masaya at Payak ang pamumuhay sa aming bayan (Naks! epikong epiko ang dating ah... ), simple lang ang mga tao. Hindi uso ang mahina ang boses dun.. pano ba naman kay lalayo ng mga kapitbahay, bukod pa doon kailangang marunong ka talagang sumigaw sa pagtataboy sa mga aso, manok, biik, baka at kambing na mayat maya ay pumapasok sa bakuran nyo.

Pagsasaka at pag-aalaga ng hayop ang kabuhayan ng mga tao doon. (Hoy! baka kung anong hayop ang maisip nyo. Baboy, manok, kambing at baka po ang tinutukoy ko.) Kung tutuusin napakasimple ng buhay sa probinsiya pero mas gusto ko ang pamumuhay doon. Ang mahihirap kasi sa amin bastat masipag ay hindi magugutom. Di tulad dito sa city, you know?! (at biglang umarte ka naman mina nabanggit lang ang city)

Kaya hayun! habang andun ako wala nang ginawa kundi lumamon ng lumamon. (glutton!) Me isang timba atang indian mango ang nakain ko sa bakasyon ko.

Nakapagliwaliw din naman ako kung tutuusin. Nagpunta kasi kami sa beach kaasama ang tatlo kong pamangkin at ang aking kapatid at heto ang ebidensiya baka hindi kasi kayo maniwala.



Paa pa lang yan ha!

@Laiya, San Juan, Batangas with my three pamangkin's. May itinatago rin naman ganda ang bayan namin.






madami pang mga larawan check nyo na lamang ang aking FB.

Para mawala yung inip ko nagbasa din ako ng mga libro, Nagsimula kasi yun sa The Lightning Thief of Rio Rioldan, parang nabitin ako ng mabasa ko. Kaya hayun nagbasa pa ako ulit.. di ko namamalayan... waaaah!!!! apat na ang nababasa ko. Adik!!!!

Napatigil lang ang pagbabasa ko nang dumating sa amin ang pamangkin at inaanak ko.. wala lang siguro dahil natutuwa akong makipaglaro sa kanila "sometimes".

Ang bilis bilis ng araw ..... malapit na matapos ang bakasyon ko.

Nagreport na ko sa office namin at nameet ko na rin ang mga bago kong makakasama, nagkaroon pa nga kami ng konting inuman welcome party daw. Medyo nalungkot ako wala kasing "Papa-material" akong nakita. (Loka! Lagot ka kay Lloyd)

Mar 30, 2010

*******

Matagal matagal din na huli kong binisita itong aking mumunting blog. (ang drama mo tsang!). Namiss ko nang muli ang magkwento at madami rin akong hindi nagawa. Alay umuwi ako duon sa aming prubinsiya eh!(Lam nyo na kung saan yun), ay walang internet hindi ko tuloy maani ang mga prutas at gulay na tinanim ko sa farmville. Namiss ko tuloy padalahan ang pinsan ko ng birthday greeting (kuya alex sorry po,,,). Asus! puro dahilan ka Mina.

Madami nangyari na sa akin at gusto kong ikwento sa inyong lahat yun. Nariyang sa sobrang inip e nakapagbasa po ako ng tatlong libro sa loob ng limang araw The Lightning Thief, Sleeping Beauty Suspect and Summer Hill (Ang sabihin mo Mina adik ka talaga!). halata nyo ba na wala akong ginagawa... Me binabasa pa ako ngaun... The Widow and the King, hahaha! mahaba haba ring upuan ito..

Madami akong dapat ikkuwento saka na lamang pagbalik ko dito sa Maynila, Basta! kailangang umuwi na ako at Biyernes Santo na! May ipinapabili lamang sa akin ang ate ko kaya ako andito sa Maynila. Sa muli...

****************

Mar 10, 2010

Babae


Babae...

This morning, there is a portion in Unang Hirit 2010 that they interviewed Mr. Jay Sonsa (I don't know if he is an independent candidate for V.President) and Ms. Jamby Madrigal (Presidential Candidate, an independent one). Accidentally, when I opened the television Mr. Sonsa was in the hot seat. (I love listening pa naman with candidates point of view. Nakakapagtaka, I am not interested with what he was telling. Never mind, maybe I am not in the mood by then.) Afterwards, Ms. Madrigal was in the hot seat. There are guests that ask her some questions, about family inheritance, corruption, ability and one question that strikes the most is how she directly accused that Mr. Manny Villar (a presidential candidate) was a land rober. Fearless, she answered all the questions against Mr. Villar. (Wow! that's the only thing I could tell. She is a very brave lady. I could compare her to Gabriela Silang by that time.)




As for now, Noynoy Aquino (a presidential candidate also) is my vote. But I admire Ms. Madrigal for being so brave. A good example of a Filipina. She is not that famous like the others but it's a good thing that she left a good mark with somebody like "me". (Oops! Nililinaw ko lang po, solid Noy-Noy ako!. Nagkataon lang na nagustuhan ko ang mga sagot niya at mga hirit kay Villar, na bentang benta talaga.)

Wow, Some Woman are so exceptional.

Mar 5, 2010

tsismosa

Naka-chat ko today ang college friend kong si "Yzel". At nakapag tsismis na ko kaagad. (tsismax) Well, ang headline namin e ang kaibigan ko si "Nhila". Si Nhila ay kaibigan namin na ever since the world began e hindi pa nagkakaboyfriend. Ngayon, hayun! at blooming na blooming. Bakit ba naman hindi sa wakas nagkaboyfriend na din siya.

I-kwento ko sa inyo kung pano ko nakuha ang balita. (I-narrate ba naman)

Ganito yun, I call her one month ago para magkita kami. Humihingi ng tulong kasi nawalan ng trabaho ang boyfriend ko and I know that she is the "one" who could help my bf. E di nagkita nga kami sa Market Market.

Nag-dinner kami, ibinigay ko sa kanya ang resume ng bf ko. After that, nagkumustahan. Eto na, eto na....

"Tej, i have something to tell you..." (Tej, tawag nya yun sa akin)
"Ano?!" medyo nakakunot ang noo ko, akala ko kasi me problema siya.
nakikita ko naman na mukhang naeexcite na siya sa gusto niyang sabihin. Ngumiti ako napaisip kung ano ba marahil yun.

"TEJJJJJJJ!!!! " pasigaw pa siya. "magkakaboyfriend na ata ako!" sobrang kilig na pag-amin niya sa akin. "Talaga!!!!!!" ako pa ang mas naexcite."Sino?!!!"

"Officemate ko!"

"Alam na ba sa inyo?" tanong ko, alam ko kasi na nagagalit pa rin ang nanay niya pag nagpapaligaw sila. (Gusto yata siyang tumandang dalaga nun, Joke!')

"Hindi nga." malungkot niyang bulalas. "Basta! Gusto ko na ata siya."

ATA? di pa pala sure ang loka nyan.

Marami pa siyang tinanong sa akin. nandun itanong niya kung nagsisine rin ba kami ng boyfriend ko, o kaya binibigyan din ba daw ako ng boyriend ko ng flowers. Hahaha! ang dami nyang tanong. Gusto ko tuloy aminin sa kanya na sa halos apat na taon na namin ng boyfriend ko e isang beses pa lang kami nakapag-sine na kami lang dalawa, "Tanging-Ina nyo Pang Lahat" ang pinanood namin. Actually, pitong beses kung susumahin ang bilang ng aming pagsisine, anim kasama ang mga friends at isa na kami lang dalawa. Teka lumalayo na ang istorya, Heto ang malupit, "Tej, wag mo akong isusumbong ha!"
Kunsintidor naman ako kaya ito ang sagot ko "OO naman..." (Teka! Kasabwat na ba nya ako?) Tinanong ko siya kung pwede ko bang ikwento sa mga friends namin. She said, "OKAY!" with a big grin.
Yun ipinamalita ko na sa mga friends namin, maging dun sa professor namin nung college ibinalita ko din... hahaha. (Tsismosa ba ako?)

Mar 2, 2010

Certified Tambay

Hay, naku ang buhay… parang gulong minsan nasa itaas ka minsan nasa ilalim ka…. Hay…. (drama mode).
Heto po ako andito sa kwarto maghapon, matapos magresign e di heto walang trabaho. Certified tambay. Bagong miyembro ng grupong PAL short for “Palamunin”.
Ang hirap pala din ng walang magawa, naroong maya’t maya kong binubuksan ang laptop para mag-internet o kaya naman ay maglaro lang ng solitaire (pampatanggal inip), naroong tatayo ako at muling uupo. Madalas uminom, bubuksan ang ref tapos isasara muli, lilinisin ang kwarto at guguluhin muli, makikinig ng music, manonood ng tv, kakain, tutulog….. makikipagkwentuhan…. WAAAAAH!!!!! Mas mahirap pa pala ito sa inaakala ko… nakakainip. Hindi ako sanay na walang ginagawa.
Bakit kasi nag-resign ako ng maaga, akala ko enjoy ang magpahinga kasi mula ng makapasa ako ng board diretso trabaho na, hindi na ko nakapagpahinga, kala ko kasi enjoy. HUHU! Ang hirap namang mangapitbahay, ang init init kasi… Maitim na nga mangingitim pa muli… Naku! Nakakainis ang ganito. Ang lalayo pa ng kapitbahay dito sa probinsiya.
Di na tuloy ako naniniwala dun sa kantang “Summer breeze makes me feel fine….” I don’t feel fine noh!
Kelan kaya ako mags-start sa bago kong trabaho naiinip na ko… hay….

Feb 28, 2010

"root"

CMCP. Hindi ko ito malilimutan. Bakit nga ba? (tanungin ko ba naman kayo, aba! Kamalayan nyo ba naman.) Well, CMCP is the company that…. that… that… that… Wait lang ha, nag-iisip pa ako ng pwedeng sabihin. Hahaha!!! Ang hirap naman bakit ala akong mailagay.

Alam ko na, CMCP dito ko natutunan ang maraming bagay. Basahin ang mga sumusunod: (I-enumerate ba naman)
(Seryoso mode)
1. Dito ko natutunan ang maraming bagay tungkol sa structural design, hilaw pa rin naman sa hanggang ngayon pero proud ako na naintindihan ko naman ung mga pinaggagawa ko dun.
2. Sa kompanya ring ito nabibigyan nila ng laya ang mga designer na makapagisip o makapagbago ng nararapat na sukat o laki ayon sa design na nagawa mo.
3. Matututo kang magkaroon ng diskarte sa ginagawa mo. (Hoy, in positive way ha!)
4. Mababait ang mga kasamang mong empleyado.
5. Matalino at madaling lapitan ang ilan sa mga boss dito. ( Specially, Dante……… and sometimes Sir Julz but more often Dante. Si Dante na cool na cool lang parati.)

Well, ang totoo nyan ang mas mamimiss ko dito ang mga friendship ko…. Ang lima kong kaibigan na kasama ko sa kalokohan….. (chaze, Raymond, cyrus, dung and dionna). Sino ba sila sa pagkakakilala ko….


Chaze – “Miss Flawless Girl”. Well, she is a quiet and shy person I’ve met in CMCP when I started there last March 25, 2008. Before, I thought she was so mataray and mahirap pakisamahan (but it was all false). She is a witty, funny, lovely and beautiful girl. Pwede mo rin siyang tawaging “Tisay” dahil isa siya sa maputi sa office o baka pinakamaputi bukod sa akin… (Ambisyosa! kelan ka pa pumuti Jasmin. In my dreams lang po yun.) Siya ang katabi ko parati sa upuan, nakakapagtaka! Malakas na rin siyang tumawa ng makatabi ko siya bakit kaya? Mahilig din siya sa tsismis tulad ko.. Hehe…. Madalas din siyang magdala ng masasarap na baon na hindi ko pa natitikman, yun tuloy madalas kinakain ko ang mga baon niya… hehe… Malaki rin ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang superhero ng buhay ko. Sinagip niya ako ng mahulog ako sa kinauupuan ko… Yun nga lang matapos niyang hawakan ang braso ko at muli akong makaupo sa upuan ko. (ABA! Ang loka, hindi maka-get over sa katatawa sa akin.) We shared lot of stories with each other everyday. (Kaya hayun…. Ang lakas parati ng boses naming dalawa sa opisina.)

Cyrus – “The concert king of the office”. Madalas mo siyang maririnig na kumakanta sa opisina na kala mo nag-vivideoke lang siya, pampatanggal antok daw… (Parati kasing inaantok yan.) Lagi na lang nkaheadset kaya hindi niya napapansin na nai- invade na ng boses nya ang buong opisina. Madalas mo rin makikita mo na lang yan nakapikit, nakahalukipkip ang mga braso at parang nasa bus lamang kung matulog. Hanga nga ako sa diskarte nyan sa pagtulog. Madalas din siyang nakikipaglaban sa pulang kabayo kaya antok parati… mahilig din siya sa magagandang babae….. (well, natural lang naman yun sa mga lalaki….)

Raymond – “The Boy Abunda of CMCP – the king of talk.” I will never forget this guy. As a matter fact, I don’t know what is inside him that I was so comfortable with my secrets with him. Isang dating propesor, matalino at masarap pakisamahan. Nauna lang ako ng isang linggo sa CMCP kaya pwede kong sabihin na ka-batch ko siya dun sa CMCP. Game Master din ang taong ito sa opisina kaya hayun parati na lang kaming nagigising sa mga brain teasers na pinasasagutan niya pag inaantok na kami. Aba! At sa huli ng mga tanong niya ay ira-rate niya pa kami kung ilan ang mga nasagutan namin. Nagaalala na rin ako sa taong ito napapansin ko rin na hindi na pantay ang balikat niya (JoKe!) sa sobrang kakaani. Nasa likuran kasi niya boss namin at para makapag – inet siya hayun din a pantay ang balikat niya katatakip nang monitor niya. Minsan kina – career na rin ang pagjo – joke , lalapit siya at magjojoke ng mga naresearch niya sa internet na bentang benta naman kay Dung. Reklamador din siya kung minsan lalo na pag nasa kagandahan na siya ng pagkukuwento ay tatawagin siya. Haha! (Mga istorbo.) In short, si Raymond ay ¾ kalokohan, ¼ seryoso. Pag nagseseryoso naman siya ay naku! Daig pa ang “PRINCIPAL” naming nung elementary huhu! Alam nyo na.

Dung – “the One Piece Master”. Pano ba naman hindi siya tatawagin na One Piece master, hay naku, kahit ata isang minuto siguro (exaggerated) na magkaroon siya ng pagkakataon e isisingit pa rin niya o sisilayan pa rin niya ang episode na pinapanood niya. MInsan nga hindi na niya napapansin na tinatawag siya, Hayun! Madalas tuloy mapagalitan. Sino nga ba si Dung? May maiksi akong tula na nagawa para sa kanya.

Headset niya’y kaylakas,
One Piece kasi ay minamalas!
Pag “Dung” ay binigkas,
Ewan ko lang kung agad iigkas!

Alas tres y medya na,
Oras na ng meryenda.
Baon ay iniinit na,
Ngunit alas- kuwatro e nakain pa.

Nakakatuwa siya, masipag yan, negosyante pa yan! Yun nga lang mahilig mang-asar, lalo na kay chaze para tuloy me “crush” siya dito kung asarin niya ito. HAHAHA!

Dionna – “The Farmer”. Ang sipag ng babaeng ito, ewan ko ba naman. Ang aga-aga parating pumasok. Kaya “The Farmer” minsan pag umaga pag pasok nakikita ko siyang magtatanim siya sa FB, hehehe, breaktime, nag-aani, at bago umuwi hayun at nagtatanim muli. Pero wag ka, totoong masipag po siya, (true po ito). She is a very lovely lady.

hay, mamimiss ko silang lahat, pati na rin si James (na iba ang surname sa FB, supladitong ewan), si Kuya Mike (ang taong nag-isip na mag-aasawa na ako! haler! di pa noh!), si Ma'am Ellen (blooming na blooming), si Dante (very smart), si Sir Vic, Sir Toto, si Joseph, si Emco, Benjie, Ry, Eileen at Cielo (mga pretty). I will miss you all guys. Teka, andyan lang naman ako sa Gil Puyat ah. (Pa-drama effect). See you guys.

Feb 14, 2010

Lunes.

Naku po! I wake up late again. Napasarap kasi ang tsismisan namin ng aking mga housemates. Umuwi kasi sila ng probinsiya at marami silang balita galing sa mga kamaganak namin.
By the way, happy puso nga pla. Hayun, lumabas din naman kami ng boyfriend ko. Kumain pagkatapos kumain umuwi. Tapos! How sweet wala man lamang akong natanggap na rosas tulad ng ibang babae na nasasalubong sa mall. Hmp! Iniisip ko na lang na masarap yung kinain namin. Sabagay masarap talaga.
E di hayun, late ako ngayong umaga, sino ba naman ang di maiinis pipila ka ng mahaba para makasakay ng jeep. Sus ko po! Pano ba naman kita ko nang parating ang jeep,aba! Huminto sa di medyo kalayuan sa aming pila may pinasakay na dalawang tao siguro ay kakilala, kaya hayun ng ako ng sasakay di na raw puwede at puno na. Ano pa nga bang magagawa ko. E di wala kung hindi maghintay ng panibagong jeep ng mga 10 minuto muli.hay... Pero okay lamang i always take it naman na pagsubok lamang yun.kaya mo yan!

Feb 13, 2010

primera

Hay, kinakabahan ako. Bakit nga ba? I guess dahil alam ko na napakaraming blogger ang mahusay magpahayag. naiinspire ako sa kanila. Di ko alam kung kaya ko bang gawin ang mga nagagawa nila.
Di naman ako magaling sa ingles tulad nila, bahala na. Basta para sa akin gusto ko lang alamin kung ano ba talaga ang gusto ko.
Masaya naman ako pero bakit may kulang pa rin.
hay....